The “What if” Trap
"What if mawalan ako ng trabaho?"
"What if may mangyari sa pamilya ko?"
"What if I fail this major exam?"
Have you ever caught yourself spiraling because of just one "what if?"
Funny how one "what if" can quickly become ten, right? Minsan, nagsisimula lang ito sa isang simpleng worry. Pero habang iniisip natin ang lahat ng posibleng mangyari, parang ang bilis dumami ng mga "what if" sa isip natin. Hanggang sa hindi na lang natin katabi ang takot—siya na ang nagmamaneho ng buhay natin.
But here's the thing: feeling anxious doesn't mean you're weak or kulang ka sa faith. Hindi ang tanong ay kung may takot ka. Ang mas mahalagang tanong ay: Sino ang may hawak ng manibela ng puso mo?
This week, we're starting our new series called "From Anxiety to Peace." Today, we simply invite you to notice where fear may have quietly taken control.
Ganyan din ang paanyaya ng Panginoon sa Kanyang mga tao. Halimbawa, sa Book of Psalms, hindi Niya pinilit ang mga sumulat na itago o biglang alisin ang kanilang takot. Sa halip, isinama pa Niya ang mga isinulat nilang nararamdaman sa Bible. This tells us that God values our feelings and wants us to bring them honestly before Him.
For example, let’s read this verse:
Nang sabihin kong parang mamamatay na ako, ang inyong pag-ibig at awa, Panginoon, ang tumulong sa akin. Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya. (Salmo 94:18-19 ASD)
Today, don't fight your anxious thoughts. Just notice them. Then whisper this prayer to Him: "Jesus, I want You to lead me today."
Tandaan mo, isa kang miracle!