• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Set 7, 2025

Tears: kinokolekta ni Lord yan.

Publication date Set 7, 2025

Emotional transparent ka ba?

Para sa akin, sa mga karaniwang sitwasyon, madaling makita ang nararamdaman ko, lalo na kapag nagagalit o natutuwa ako. Pero pagdating sa kalungkutan o sama ng loob, nahihirapan akong ipakita ito sa iba. Mas madalas ko itong itinatago at ipinapakita lamang sa mga pinakamalalapit sa akin, tulad ng aking asawa at ilang kaibigan. Minsan, kapag sobrang bigat na at hindi ko na kayang ikwento sa kanila, isinusulat ko na lang ito sa journal o iniiyak kay Lord.

Halimbawa, noong may pinagdaanan akong sobrang bigat that I myself had trouble verbalizing how I felt, kumukuha lang ako ng lakas sa mga worship songs na pinapakinggan ko, because through those songs, the Lord was speaking His truths to me.

At laking encouragement sa akin ang Bible passage na ito, let’s read this aloud:

Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak.Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat? (Salmo 56:8 ASD

Have you ever experienced this yourself? Ang buong-puso mong malaman na nakikita ni Lord ang lahat ng iyong kalungkutan, at napapansin Niya ang bawat pag-iyak mo. Nakakamangha, ‘di ba? Ibig sabihin, hindi ka kailanman nag-iisa sa lahat ng lungkot na dinaranas mo. At ibig sabihin din, pwede kang lumapit sa Kanya sa lahat ng iyong nararamdaman... anytime!

Let’s take some time today to talk to Him. Ikwento mo sa Kanya ang lahat ng nasa loob mo. Kahit hindi mo kayang ipahayag gamit ang salita, umupo ka lang kasama Niya at iiyak mo sa Kanya ang mga hinagpis mo. Tiyak naming naririnig Niya lahat ng ito, at inililista pa sa Kanyang aklat.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.