• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 4, 2025

Tara, let’s talk about loneliness.

Publication date Nob 4, 2025

Loneliness. Hindi sya laging obvious. Minsan, ang ganda pa ng smile mo, active ka sa social media, pero pagdating ng gabi, ‘don sya malakas. Ang daming mind chatters — mapapatanong ka tuloy- invisible ba ako? Okay pa ba ako? 

Paano kaya si David, ang batang shepherd who became a king, na neglected ng family niya? We’ll learn from his story in the Bible na hindi siya close sa mga kapatid niya. Minsan nga, may important guest sa bahay nila, pero muntik na siyang makalimutang i-invite, dahil abala siya sa pagbabantay ng tupa.

But in spite of that, si David ang lumikha ng napakaraming awit tungkol kay God. And here’s one of them:

Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo.    Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho.    Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. (Salmo 139:1-3 Ang Salita ng Dios

Wow? Nakaka-encourage 'to, di ba? Imagine, kilala pala tayo ni Lord. Alam Niya everything about us — mga ginagawa natin, pati na rin ang iniisip natin. So, what does that mean? Na alam ni Lord kung may gumugulo sa isip natin, at kung malungkot tayo. And the best part? We can talk to Him…anytime, anywhere. Ang cool, di ba? 

Today, let’s pray this, “Lord, salamat dahil kilala Mo ako, alam Mo ang nangyayari sa buhay ko, ang mga nasa isip ko. Salamat dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Binibigay ko po sa Iyo ang lahat ng struggles ko, tulungan Mo akong labanan ang lungkot. In Jesus’ name, Amen.” 

Sana maging regular practice natin ang makipag-usap kay Lord.

Remember, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.