Takot ka bang lumabas na mahina?😥

Friend, minsan ba, nakakaramdam ka ng frustration when coming face-to-face with your weaknesses? Lalo itong lumalabas kapag may mga kahinaan tayong matagal nang pinaghihirapang alisin ngunit hindi pa rin mawala-wala. Malamang, sa mga panahong nagpapakita ang mga kahinaang ito, pwede tayong magalit sa ating sarili at isipin na galit din sa atin si Lord.
Pero tingnan natin ang nakasulat sa susunod na bahagi ng Psalm 103:
Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak,ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya.Dahil alam niya ang ating kahinaan,alam niyang nilikha tayo mula sa lupa. (Salmo 103:13-14 ASND)
Friend, tingnan natin ang paglalarawang ginamit dito: ang pagkahabag ng ama sa kanyang mga anak. Let’s take a look at how a father responds to a young child, especially a child who is just learning to walk, or growing in a new skill, like learning a sport. Ito ang pinakamagandang larawan ng pagkahabag ng isang ama sa mga pagkakataong lumalabas ang kahinaan ng anak, hindi ba? Hindi nagagalit ang ama o sumisigaw sa kahinaan ng anak; instead, a father would express compassion and encourage the child to try again.
Sa totoo lang, hindi lahat ng ama ay may ganoong pagtrato sa mga anak, at alam nating may iba sa ating siguro ay lumaki nang may ama o ina na laging nagagalit, kahit hindi pa natin kasalanan ang kahinaang lumalabas. Napakalungkot nito, at hindi natin binabalewala ang mga karanasang ito.
Pero dapat mong malaman, Friend, na ang Panginoon natin ang mas nakakaintindi ng ating kahinaan, kaya naisulat pa ito sa Bible: the Lord has compassion for you!
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

