Takot ka ba sa kamatayan? π²

Friend, napag-usapan natin na mahirap ang laging matakot na mamatay tayo o ang mga mahal natin sa buhay. Mas matindi ang takot para sa mga taong hindi nakakakilala kay Jesus, dahil wala talagang katiyakan kung ano ang mangyayari sa kanila matapos mamatay. Gaya ng pinag-usapan natin kahapon, may mga nagtatanong kung totoo ngang may life after death, or things like heaven and hell.
The good news is, for those of us who follow Jesus, pinapakita Niya sa Bibliya ang katotohanan tungkol sa mga bagay na ito. At ang isa sa matinding katiyakan natin ay ang katotohanang si Jesus mismo ay nabuhay muli, kahit na Siya ay namatay.
Let’s read this aloud, Friend:
AkoΚΌy buhay magpakailanman. Namatay ako, pero masdan mo, buhay ako, at hindi na muling mamamatay. Nasa ilalim ng aking kapangyarihan ang kamatayan at ang lugar ng mga patay. (Pahayag 1:18 ASND)
Naririnig mo ba? Tuwang-tuwa si Jesus ng pagpapahayag na buhay Siya at hindi na muling mamamatay. Higit pa doon, sinasabi Niyang may kapangyarihan Siya over death. Hindi ba good news ito para sa atin? Wala palang kapangyarihan ang kamatayan sa atin; instead, Jesus holds the power over life and death, kaya hindi na tayo kailangang matakot sa kamatayan, dahil muli din tayong mabubuhay sa presensya ng Panginoon.
Friend, kung takot ka pa sa kamatayan, ito ang challenge namin sa iyo: hanapin sa Bible ang lahat ng nakasulat tungkol sa muling pagkabuhay ni Jesus, at kopyahin ito sa notebook. Maaari kang magsimula sa mga emails nitong nakalipas na linggo. Pagkatapos ay bigkasin ang mga Bible verses na ito araw-araw.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

