Takot ka ba sa evil spirits? Basahin mo ito,

Noong Grade 1 ako, may mga kaklase akong mahilig magkuwento ng mga horror stories. Ako naman, sobrang matatakutin. Kaya sa kakakwento nila, hindi na ako makatulog sa gabi. Hindi ko pinagmamalaki na pinagalitan sila ng mama ko, pero talagang naaalala ko ang nangyaring iyon—naging dahilan kasi iyon para huminto sila sa pagkukuwento sa akin ng nakakatakot.
Noong elementary ako, ang daming ghost stories sa school namin. Lahat ‘yon, dinadala ko sa dibdib—kaya lagi akong takot sa evil spirits.
Good thing, when I became a Christian, I gained the courage to know that Jesus is far more powerful than any evil spirit. At ito ang titingnan natin as part of our series this week: isang lalaking nakatira sa may libingan, na sinasaniban ng isang hukbo ng masasamang espiritu, ang sumalubong kay Jesus.
Ito ang paglalarawan sa Bible sa taong ito:
Hindi siya maigapos ng matagal kahit kadena pa ang gamitin nila. Ilang beses nang ikinadena ang mga kamay at paa niya, ngunit nilalagot lang niya ang mga ito. Walang nakakapigil sa kanya. Araw at gabi siyang sumisigaw sa libingan at kaburulan, at sinusugatan niya ng bato ang kanyang sarili. (Mark 5:3-5 ASD)
Nang makita niya si Jesus, sumigaw ito nang malakas, “Ano ang pakay mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan!… Nagmakaawa kay Hesus ang mga demonyo.” (Mark 5:10, 12)
Inutusan sila ni Jesus na umalis sa lalaking iyon, at pumasok sila sa mga baboy, na “nagtakbuhan pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.” (Verse 13.)
Ang galing ni Jesus, ano? Don’t be afraid, demons obey Jesus!
Tandaan mo, isa kang miracle

