Takot ka ba sa ‘dark’ things? 😱

Friend, matatakutin ka ba? I don’t mean takot sa ahas or spider, but more of sa mga ‘spirits,’ or ‘demons.’
Noong Grade 1 ako, may mga classmates akong mahilig mag-share ng mga kuwento about sa multo. Sa sobrang active ng imagination ko, hindi ako makatutulog dahil sa mga horror stories na iyon! To the extent na kinausap talaga ng mama ko ang dalawang classmates kong iyon! Since then, ayokong manood ng mga horror movies. Even now, may friend kaming natatakot mag-isa sa bahay kapag gabi, dahil sa mga horror movies na napapanood niya.
Ikaw ba, natatakot ka ba sa mga ganito? In reality, nawala na lang ang takot ko sa mga ‘spiritual’ beings noong nakilala ko na si Jesus. Nabigyan ako ng lakas knowing na kasama ko Siya wherever I go, and alam kong takot sa kanya ang mga multo-multo.
Kaya gustung-gusto ko ang mga scenes sa Bible na nagpapakita ng power ni Jesus over demons. For example, sa Mateo 8:28-34, may dalawang demon-possessed na taong lumapit kay Jesus. Sa isang salita lang ni Jesus, umalis agad ang demons sa katawan ng mga tao, at naging free na sila. (Pwede mo itong panoorin sa The Chosen, Season 2, Episode 5: Spirit, mula 21:14 - 24:45.)
Nakikita mo ba, Friend? Kapag nandyan si Jesus, hindi natin kailangang matakot sa mga demons, dahil mas powerful si Jesus. If He’s in our hearts, may power din ang words natin against the works of the enemy.
Friend, basahin natin aloud itong Bible passage, everyday, if needed:
Ngunit mga anak ko, kayoʼy sa Dios at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad at sinungaling na propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay higit na makapangyarihan kaysa kay Satanas, na siyang naghahari ngayon sa mga makamundo. (1 Juan 4:4 ASND)
Friend, isa kang miracle!

