Taga-saan ka ba?🇵ðŸ‡

Friend, taga-saan ka ba? Nakatira ka ba ngayon sa lugar na iba sa kung saan ka ipinanganak? Marami sa atin dito sa Pilipinas ay lumilipat kapag papasok na ng kolehiyo o kapag magtatrabaho na.
Noong patapos na ako (Yen) ng kolehiyo, ambisyon kong magtrabaho sa Maynila. Lahat ng mga kaklase ko ay may mga plano nang magtrabaho doon. Ngunit, dahil may negosyo ang pamilya namin, hindi ako pinayagang umalis ng aming probinsya. Napakalungkot ko noon, at lagi ko pa ring iniisip na maghanap ng pagkakataong makaalis.
Ang nakakatawa, it’s been twenty years since then, and I’m still in the same province. Natutunan ko nang mahalin ito at mas gusto ko nang manatili dito kaysa lumipat ng Maynila. In fact, pinili pa naming mag-asawa to move farther into the outskirts, mas nagustuhan namin ang slow lifestyle sa kabundukan.
Bakit ko sinasabi ito? Dahil ngayong linggo, pag-uusapan natin ang series na “Dayuhan Tayo sa Mundo.” When we follow Jesus pala, nagiging dayunan tayo sa mundong ito, dahil may iba tayong tahanan sa piling Niya. Let’s read this aloud, Friend:
Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo. (Filipos 3:20 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Parang temporary residents lang pala tayo in this world and age. May naghihintay sa ating permanent residence, in heaven, and in the age to come. The more we understand this truth, the more we will be able to make wise choices that will impact our lives in the long-term.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

