Surprised at anxiety, ! He’s not!
Napakarami sa atin ngayon ang dumaranas ng anxiety. Pero ano nga ba ang anxiety? It’s like your brain is playing a never-ending “what if” loop. It can make small things feel huge. Yung kahit normal naman ang lahat, parang ang feeling mo something bad is about to happen. At marami na ang open na umaamin na may anxiety sila or diagnosed na with it.
There’s good and bad news. The good news is, more people are aware of it, and there’s a bigger chance we can get the help we need. The bad news is, not all advice we see on the internet is actually helpful in the long term.
This week, we are happy to share our series, “Anxiety: A Biblical View (It’s Not What You Think!).” Bakit may disclaimer na ganito? Dahil maraming misconceptions about anxiety, at ang ilan sa mga ito ay umiikot sa Christian circles.
For example, nakarinig ka ba ng mga taong nagsasabing, “Just trust God!” or “Kulang lang yan sa faith,” or “Siguro hindi ka nagbabasa ng Bible”? O kaya naman, “Ipag-pray mo lang, mawawala na yan.” Naku, napakaraming Christians ang akala nila na Biblical itong kanilang mga sinasabi, pero hindi pala. The truth is, ito ay tinatawag na spiritual bypassing. Ang ibig sabihin nito ay ang paggamit ng mga ispiritwal na pananalita para iwasan ang pag-iisip o pag-proseso ng mga nararamdaman.
Pero kung titingnan natin ang Bible, makikita natin ang katotohanan: hindi nila iniiwasan ang emosyon; they acknowledge it, name it, and bring it to God. Basahin natin itong nakasulat sa Psalm 42:6:
Nanghihina ang loob ko.Akoʼy parang tinabunan nʼyo ng malalaking alon,na umuugong na parang tubig sa talon. (Salmo 42:6 ASD)
Hindi ba’t napaka-detailed ng paglalarawan niya ng nararamdaman? I-practice din natin ito. If you’re not used to identifying emotions, baka makatulong ang pagsusulat nito, mas may panahon kang mag-isip. Talk to God through writing. Isa rin itong uri ng panalangin.
Tandaan mo, isa kang miracle!