• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 13, 2025

Superstition vs Jesus: which one heals? 🤔

Publication date Ago 13, 2025

Superstitious ka ba? Sa pamilya namin, ang daming bawal—dahil baka kung anu-ano daw ang mangyari. May mga ginagawa din kami na ang paniniwala namin ay magdadala ng blessings. For example, we would prepare 13 fruits for blessings in the New Year, and wear different colors for goodluck. Pero lahat yan, noon pa—bago ko pa nakilala si Jesus. Sa pamilya mo ba, ganyan din?

The story we’re reading from the Bible today is the one where people are all at the Pool of Bethesda. May paniniwala sila dito na kapag gumalaw ang tubig, isang anghel daw ay may gawa nito, at ang unang makalusong sa tubig habang gumagalaw ito ay gagaling sa kung anumang sakit meron siya.

Kaso… paano kung paralitiko kang nakahiga sa gilid ng tubig na ito? Talagang laging may mauuna sa iyo! Ito ang nangyari sa isang tao doon:

Nakita siya ni Hesus na nakahiga roon at napagtanto niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Hesus, “Gusto mo bang gumaling?”

Sumagot ang may sakit, “Gusto ko po sana, ngunit walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako ay nauunahan na ako ng iba.”

Sinabi ni Hesus sa kanya, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!” Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang kanyang higaan at lumakad. (Juan 5:6-9 ASND)

Nawalan na ng pag-asa ang taong ito, dahil sa isip niya, makatanggap lang siya ng healing through the stirring of the waters. Pero si Jesus pala ang totoong source of healing. Ang galing, diba?

Ikaw ba, may kahilingan ka rin bang kailangang ilipat mula sa superstition papunta kay Jesus? Hingin mo ito kay Jesus.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.