• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 21, 2025

Storm-proof life: nasa tamang pundasyon ka ba? 🪨

Publication date Hul 21, 2025

Kumusta ka? Are you fond of stories, fairy tales, movies? Which ones are your favorites? Sabi nila, natural sa tao ang maaliw sa mga kuwento, kaya pala ang mga bata ay natutuwa sa mga bedtime stories.

At alam din ito ni Jesus, na Siyang lumikha sa ating mga tao. Kaya gumamit din Siya ng mga kuwento sa pagtuturo sa kanyang mga tagasunod. Ito ang tinatawag na mga parabula o talinghaga, or parables. Ngayong linggo, tingnan natin ang ilan sa mga ito sa ating bagong series, “Ang Mga Parables ni Jesus.”

Ang una nating titingnan ay ang kuwento ni Jesus tungkol sa dalawang uri ng tao na nagtayo ng bahay.

Kaya ang sinumang nakikinig sa aking mga salita at sinusunod ito ay maihahalintulad sa isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato. Nang umulan nang malakas at bumaha, at hinampas ng malakas na hangin ang bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa pundasyong bato. Subalit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita ngunit hindi naman ito sinusunod ay maihahalintulad sa isang hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin. Nang umulan nang malakas at bumaha, at hinampas ng malakas na hangin ang bahay, nagiba ito at tuluyang bumagsak.” (Mateo 7:24-27 ASND)

Nakikita mo ba? May pagkakaiba pala ang buhay ng taong nakikinig sa salita ng Panginoon at ng hindi nakikinig sa Kanya. Sa kwentong ito, ipinakita ito sa pagkakaiba ng ng bahay na itinayo sa pundasyong bato —na hindi nagiba —at ng bahay na itinayo sa buhangin, na napakadaling bumagsak sa pagdating hangin at baha.

Ikaw ba, pwede mo bang isipin ngayon: anong klaseng buhay ba ang nais mo? Sana sa pamamagitan ng kwentong ito, you can make wise choices in your life.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.