Start Small!
Most of the time, when we’re just starting something—career, degree, negosyo, o kahit simpleng goal—ang liit ng mga ginagawa natin, ang bagal ng progress, at minsan mapapatanong ka kung may patutunguhan ba talaga ito. Sa ganitong moments, madali talagang maramdaman na parang hindi ito mahalaga.
May kaibigan akong kasama kong nagwa-watercolor these days. Pinapakita niya sa akin ang mga practice sheets na turo ng kanyang watercolor teacher. Mga pages na puno ng mga linya gamit ang brush, ilang flower petals that she practices the strokes on, at mga pages of color mixing at shading. Kung titingnan mo lang, parang ang simple at paulit-ulit lang ng ginagawa. Para bang, “Hindi naman ‘to painting, bakit siya nag-aaksaya ng oras sa paggawa ng mga ganito?
Pero alam mo ba? For a painter, these practice pages are not useless. Ito pala ang nagiging foundation ng pagiging marunong mag-paint ng buong litrato.
In my opinion, parang katulad ito nang nangyari sa Bible sa panahon ni Zechariah, when the Israelites began rebuilding the temple that had been destroyed when their enemies invaded the land. Nawala ang dating templo, sirang-sira ang buong lupain. Masakit pala itong gawin para sa mga nakakaalala kung gaano kaganda ang dating templo, lalo na kung ikukumpara sa napakaliit na gawaing sinimulan nila.
At ito ang sinabi ng Panginoon sa kanila:
Sapagka't sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa. (Zacarias 4:10 TLAB)
Isn’t that good news? God sees even the smallest things we do, and He tells us not to despise the little things. Can we thank Him for that?
Tandaan mo, isa kang miracle!