Spirit of fear? No way!

Ano ba ang bagay na pinaka-kinatatakutan mo? We’re not referring to scary things like ghosts or monsters—pero yung mga takot sa normal na buhay. Like fear of the future, fear of the unknown, fear of not having enough, or even fear of being rejected. Ang daming pwedeng pagmulan ng takot. Kaya minsan, kahit tahimik tayo sa labas, sa loob natin, punong-puno na ng worries.
Noong bata ako, ang dami kong kinatatakutan. Natakot akong biglang mamatay ang mga magulang ko — paano na lang kaming magkapatid? Natakot din akong masunog ang bahay. At oo, natakot din ako sa aso — or more specifically, sa rabies!
Pero hindi ako takot pumunta sa mga bagong lugar. Ang Papa ko naman ang laging takot — baka daw may mangyaring masama sa amin kapag pumunta kami kung saan-saan. Kaya hindi niya ako pinayagang mag-camping sa Girl Scouts o sumama sa mga kaibigan sa ibang lugar. Pero pinayagan niya akong pumunta ng Taiwan for summer camp, at sa Singapore for an exchange program — because he trusted the crime prevention systems there.
Ano ang kinalaman nito sa ating series this week, “Our Identity in Christ”? There’s actually good news for those of us who belong to Jesus. Let’s read this verse
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili. (2 Timoteo 1:7 ASD)
Nakikita mo ba? Bilang tagasunod ni Jesus, hindi Niya tayo binigyan ng espiritu ng kaduwagan. Instead, He gave us a spirit of power, love, and self-control. Kaya hindi tayo alipin ng takot o kaduwagan—kaya malaya nating gawin ang lahat ng pinapagawa Niya, with courage and boldness.
Ikaw ba, may pinapagawa ba si Lord sa iyo na hanggang ngayon ay kinakatakutan mo pa rin? Isulat mo ang 2 Timoteo 1:7 sa isang papel o notebook, at bigkasin mo ito araw-araw.
Tandaan mo, isa kang miracle!

