Something Heavy on Your Heart? This Will Help.🫣
Looking back, ano kaya ang ilan sa pinakamahihirap na pinagdaanan mo sa buhay? Can you see the Lord being there with you through them?
May dalawang pangyayaring napakasakit para sa akin: ang mawalan ng matalik na kaibigan. Nangyari ito nang dalawang beses—una noong elementary pa lang ako, at pangalawa noong college. Both times came from some deep misunderstanding, and the reason I remember them as a “pair” of incidents is that both times, meron akong alaala ng pag-iyak kong mag-isa, with God comforting me through those times.
That’s why I can connect that experience with the Bible passage we’re reading today. Sa totoo lang, ang nakasulat na ito ay nangyari sa panahong ang manunulat ay nasa napakalalim na pagdadalamhati, dahil ang buong bayan ng Israel was in exile. But let’s read what it says:
Napakasakit isipin ang mga paghihirapat pagdurusa kong tulad ng mapait na lason.At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako.Ngunit nanunumbalik ang aking pag-asasapagkat aking naalala:Dahil ang pag-ibig at awa ng Panginoonay walang katapusankaya hindi tayo tuluyang nalipol.Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag.Dakila ang katapatan ng Panginoon!Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin,kaya sa kanya ako nagtitiwala.”Mabuti ang Panginoonsa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya.Mabuting matiyagang maghintaysa pagliligtas ng Panginoon. (Mga Panaghoy 3:19-26 ASD)
Nakikita mo ba? Hindi lang pala sa mga mabubuting panahon nandyan ang pag-ibig ng Panginoon, kundi pati na rin sa pinakamalalim na paghihirap. Kung may pinagdadaanan ka ngayong pagsubok, sana’y makatulong sa iyong malaman na nandyan pa rin Siya sa tabi mo. You can call out to Him.
Tandaan mo, isa kang miracle!