• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Set 19, 2026

Someone Chose You

Publication date Set 19, 2026

May mga moments ba na napapaisip ka, “Lord, alam Mo ba talaga ang ginagawa Mo?” Hindi naman sa nagdududa ka sa Kanya. Pero minsan, kapag sunod-sunod ang hindi nangyayari ayon sa plano mo, mapapaisip ka rin. At sa gitna ng disappointment, parang gusto mong sabihin, “Lord, baka nagkamali Ka naman dito.”

Let’s pause for a moment, kasi God wants to talk with you. What if today, gusto Niyang ipaalala sa’yo ang isang simpleng katotohanan: Hindi Siya nagkakamali—lalo na sa paglikha sa’yo.

Tingnan mo na lang kung paano Siya lumikha. 

Ang matataas na bundok, malalalim na karagatan, galaxies, at stars—lahat ng ito ay ginawa Niya. He is an extraordinary Artist, the Author of every masterpiece. At kung titingnan mo ang Kanyang mga nilikha, makikita mong may beauty, purpose, at intention sa bawat isa. Nilikha Niya ang mga ito nang buong puso at pagmamahal.

Mababasa natin ito sa Salmo 95:6-7 ASD:

Halikayo, lumuhod tayo at sumambasa Panginoon na lumikha sa atin.Dahil siya ang ating Diyosat tayo ang kanyang mga mamamayan;tulad natiʼy mga tupa sa kanyang kawanna kanyang binabantayan at inaalagaan. 

Ang Diyos na lumikha ng buong universe ay Siya ring Diyos na lumikha sa’yo.

Hindi aksidente ang pagkakagawa sa’yo. He designed you and fashioned you with intention. Siya mismo ang pumili ng bawat detail—mula sa kulay ng mga mata mo hanggang sa personality, strengths, at gifts na mayroon ka. Sa bilyun-bilyong tao sa mundo, wala kang kapareho.

Maybe there are things about yourself that you wish were different. May mga insecurities ka. May mga bagay na gusto mong baguhin. Pero tandaan mo: hindi nagkamali ang Diyos nang likhain ka Niya.

You are unique and have been created with a special purpose. Ginusto ka Niya, inisip ka Niya, at nilikha ka Niya nang buong puso at pagmamahal. You are a pearl of great price in His hands, a priceless treasure.

Kaya today, take a moment to thank Him—not just for what you have, but for who He created you to be.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.