• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UR Urdu
Publication date Nob 28, 2024

Sino ba ang idol mo?😍

Publication date Nob 28, 2024

Sino ba ang isang taong nag-i-inspire sa iyo? May favorite teacher ka ba, or favorite superhero noong bata ka? Ngayong malaki ka na, may real-life “hero” ka bang pina-follow sa social media? Baka may celebrity kang sinusundan na gustung-gusto mo ang fashion sense, or influencer na nagbibigay ng tips na nakakatulong sa iyo. 

Mahilig si Mark makinig sa mga podcast. Ngayon, ang mga favorite topics niyang pakinggan ay emotional health at leadership. Ako, isa sa mga current favorite writers ko ay isang children’s book writer na nagse-share din ng importance ng imagination at storytelling sa lives ng mga bata. 

Why am I sharing this? Na-realize naming importante palang malaman kung ano ang mga influences sa life natin. Pag sinabing influence, hindi ito necessarily obvious, na parang may mentor talagang nagtuturo sa iyo ng lahat-lahat. Alam mo bang maaaring mas malaki pa ang influence ng mga nai-scroll natin everyday sa ating mga phones? 

Alam mo ba kung gaano kalaki ang influence ni Jesus sa buhay ng mga followers Nya? May isang kuwento sa Bible na nakakamangha. Nasa isang bangka ang mga disciples nang may dumating na bagyo. Malakas ang hangin at alon, at ginagawa nila ang lahat para hindi ma-capsize yung boat. Then, bigla na lang, may makikita silang naglalakad—sa ibabaw ng tubig! (Mateo 14: 22-32 ASND

Ito ang experience ni Peter. Follower siya ni Jesus, pero ibang level ng miracle itong nakita niya. Then, as if kulang pa ito, Jesus invited him pa na maglakad din sa tubig like Him! (Maaari mo itong paoorin dito: The Chosen Season 3 Episode 8: Sustenance, mula 1:13:43 - 1:13:01)

Friend, imagine yourself sa lugar ni Peter: ano kaya ang maiisip mo? Sino ba ang taong ito na kayang gawin ito? Kaya Niyang gawin ang imposible. 

Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.