Sa hinagpis at kababaang-loob, nandoon ang Panginoon 🤗

Isang hari o prinsipe na syang tagapamahala ng lahat at sinusunod ng kanyang buong nasasakupan— hindi ba’t ito ang nasa isip mo tungkol sa isang kaharian? And isn’t it true that when we imagine a kingdom, we picture parties and dances, with lots of food, singing, and dancing? At totoo naman, may kasiyahan naman talaga sa kaharian ng Diyos. Katatapos lang nating pag-aralan ang katotohanang masayahin ang Panginoon.Â
Friend, ipagpatuloy natin ngayong araw ang ating series, “Ang Kahariang Bali-baliktad.” Basahin natin itong nakasulat sa Bible:Â
Pinagpala ang mga naghihinagpis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba, sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig. (Mateo 5:4-5, ASND)Â
Dito natin makikita ang dalawa pang pagkakaiba ng Kaharian ng Diyos sa kaharian ng tao. Sa kaharian ng tao, ginagawa natin ang lahat para maging maligaya, para walang masaktan o maghinagpis. Pero sinasabi ng Panginoon na para sa Kanya, pinagpala ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin Niya ang mga ito. Hindi Siya tumatalikod sa ating hinagpis, instead He wants to comfort us.Â
Ang pangalawang anyo na ipinapakita sa binasa nating verses ay ang pagiging mapagpakumbaba. Hindi ba’t dito sa mundo, ang laging nananalo ay iyong pinakamasalita o pinaka-agresibo? Sa Kaharian ng Diyos, iba pala: ang taong mapagpakumbaba ang siyang sinabi ng Panginoon na magmamana ng buong daigdig!Â
Nakakamangha, di ba? OK lang pala na naghihinagpis tayo sa mundo ngayon, dahil Siya mismo ang magbibigay ng comfort sa atin. At tinatawag Niya tayong maging mapagpakumbaba, because He promises for the meek to inherit the earth.Â
Today, let’s pray this together, Friend: “Lord, turuan mo akong kumuha ng comfort sa Iyo. At tulungan Mo akong maging mapagpakumbaba, dahil sa pangako mong mamanahin ko ang buong daigdig.”Â
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

