Since day 1.
How do you feel when something changes? Nahihirapan ka ba kapag may nagbago sa mga nakasanayan mo? May mga changes na exciting naman, like getting the new job you’ve always wanted or starting at a new school. Pero meron ding changes na magdadala sa’yo ng takot, lungkot, at minsan sakit—like when someone you love leaves, when you lose a beloved pet, or when you fail something in school or at work. Change isn’t always easy.
So, here’s our series for this week: ‘He is the same yesterday, today, and forever.’ Habang laging may pagbabago sa buhay, gusto naming malaman mo na mayroong isang bagay na hindi nagbabago kailanman—ang Panginoon. Nakuha natin ang linyang ito sa Hebrews 13:8, pero ang buong Bible mismo ay nagpapakita ng unchanging nature of God.
In what ways is God unchanging? First, pag-usapan natin ang Kanyang pagiging isang magaling na Manlilikha. Sa umpisa ng Bible, ipinapakita ang Kanyang kakayahang likhain ang buong mundo—from the planets, sun, moon, stars, hanggang sa bawat hayop, puno, bundok, ilog, pati na ang paglikha sa katauhan. Hindi ito nagbabago kahit ilang libong taon na ang lumipas; isa pa rin Siyang malikhaing Panginoon. Makikita natin ito sa bawat taong patuloy Niyang nililikha hanggang ngayon—year after year, month after month, day after day.
Kaya pwede tayong maging confident that He didn’t create us by accident. Basahin ang Psalm 139: He saw everything about us and He knew what He was doing.
If you’re feeling unsettled by changes around you, let’s pray this together: ‘Thank You, Lord, that even if everything else is changing around me, You remain the same. Ikaw pa rin ang malikhaing Panginoon na gumawa sa akin.’
Tandaan mo, isa kang miracle!