• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 31, 2025

Simula noon, hanggang ngayon: faithful si Jesus 🕰️

Publication date Hul 31, 2025

Friend, nagkaroon ka na ba ng kaibigang nagbago ang ugali? Kung nakabuti ito sa relasyon nyo, edi OKAY. Pero may ibang taong nagbago, at nasira ang pagkakaibigan dahil dito. O baka naman may pagbabagong nangyari sa buhay mo na labis na nakasakit sa’yo.

Noong bata ako, best friends kami ng kuya ko. Pero dahil mas matanda siya sa akin ng limang taon, noong magbinata na siya, nagsimula siyang makihalubilo sa mga kaibigang ka-edad niya. Napakahirap sa aking masanay na hindi na kami naglalaro tulad ng dati, at kinailangan kong matutong humanap ng ibang kalaro.

So, when I became a Christian, this remained one of my major struggles— the fear of being abandoned or replaced. 

The good news is, ang Panginoon pala ay hindi nagbabago. Let’s read what it says in the Book of Revelation: 

Ang Panginoong Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.” (Pahayag 1:8 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Kung ano Siya ngayon, ganoon din Siya noon at maging sa hinaharap. Ito ang isang katotohanan na pwede nating paniwalaan: na hinding-hindi Siya magbabago, kahit ano pa ang mangyari. Hindi ba’t nakakatuwang isipin na hindi tayo kailangang matakot na magbago ang isip Niya sa atin, o na tanggalin Niya ang Kanyang pagmamahal para sa atin. 

Friend, kung nasasaktan ka sa pagbabago, let’s journal through it together. Kumuha ng notebook at ballpen. Write down how you feel about some of the painful changes in your life. At isulat mo din ang panalangin ng pasasalamat kay Lord dahil hindi ito magbabago kailanman. 

Pwede mong dasalin ito, “Lord, salamat at kahit ano ang mangyari, Ikaw ang lagi kong maaasahan. Dahil hindi ka nagbabago kahit kailan. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.