si God, madamot? Fake news yan! 🤨

May idea ka ba kung ano ang nararamdaman ng isang batang ulila? Sila ‘yong naglalakad sa mundo nang mag-isa—walang nag-aalaga, walang agad na tumutulong sa kanilang mga kailangan, laging may kakulangan. Ikaw ba, minsan ba ay ulila rin ang pakiramdam mo?
Marami sa atin ang may ganitong pakiramdam—nakakalungkot. And most of us go through life as if we’re spiritual orphans, dahil may nakatagong takot na baka hindi tayo nakikita ng Panginoon at hindi Niya alam ang mga pangangailangan natin.
This week, our new series is called “Ang Mapagbigay na Panginoon.” Simula bukas, titingnan natin ang ilang mga halimbawa ng pagiging mapagbigay ni Lord. Sana makatulong ito sa atin para lumaki ang paniniwala na He wants to bless us and do good to us.
For today, let’s establish the truth that God wants to be generous to us. Let’s read this aloud:
Kayo nga, kahit masasama kayo, marunong kayong magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting regalo ang mga humihingi sa kanya. (Mateo 7:11 ASD)
Nakikita mo ba? Kung nagdadalawang-isip ka pa kung gusto ka talagang bigyan ni Lord ng mabubuting regalo, ang Bible verse na ito ang patunay—si Jesus mismo ang nagsabi nito. Kaya pwede nating talikuran ang maling akala na madamot si God.
At ito pa ang isang mahalagang katotohanan:
…alam na ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man kayo humingi. (Mateo 6:8 ASD)
Meron kang mapagbigay na Ama sa langit na nakakaalam ng lahat mong kailangan. Kaya huwag kang matakot na lumapit sa Kanya!
Pwede mong itong dasalin: “Lord, minsan naiisip kong ayaw Mong ibigay ang pangangailangan ko. Tulungan Mo akong baguhin ang paningin ko sa Iyo — na Ikaw ay isang mapagbigay na Panginoon. Salamat at inaalagaan Mo ako.”
Tandaan mo, isa kang miracle!

