Show God’s Love Today
Ano ang mga bagay na gustong-gusto mong gawin?
Maybe you love playing sports, watching movies, reading books, cooking, taking photos, creating things, or simply spending time with people. Ako, simula pa noong bata ako, mahilig na akong magbasa, magsulat, at lumikha ng kung anu-ano.
Pero bakit namin ito tinatanong?
Because expressing God’s love isn’t limited to words. Minsan, mas natural pa nga itong naipapakita through the things we already love doing.
Mahilig kang magluto? You can cook for someone who needs a little extra care. Magaling kang makinig? You can spend time with someone who simply needs to be heard. Creative ka? You can use your skills to encourage someone. Kahit simpleng paglalaan ng oras para sa isang tao can already be an expression of God’s love.
And here’s the beautiful part: hindi kailangang dramatic ang pagpapakita ng love ni God.
Sabi ni Jesus sa Juan 13:34-35 ASD:
Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa. 35Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo.”
Honestly, sa tingin namin, mas mahalaga pa nga itong maipakita ang pagmamahal ng Panginoon through our daily lives. Our lives can become a reflection of His love. Sa paraan ng pakikitungo natin sa ating pamilya, friends, coworkers, neighbors, and even strangers, we have everyday opportunities to show people what God’s love looks like.
Think about this: May tao ba sa buhay mo na nakapagparamdam sa’yo ng love ni God through something as simple as their kindness, presence, or time?
If someone comes to mind, take a moment to thank Jesus for that person. Then ask Him, “Lord, paano ko rin maipapakita ang love Mo sa iba?”
Maybe the answer is already in your hands—through the gifts, talents, and interests He has given you.
Tandaan mo, isa kang miracle!