share in His happiness-gusto mo bang sumali?
Let’s talk. Do you know that God isn’t unaffected by our faithfulness? Akala mo ba parang pulis lang si God, binabantayan tayo para hindi tayo magkasala?
Pero kung babasahin natin ang mga kwento ni Jesus, makikita natin na mahalaga sa Kanya na we grow to become more like Him. Talagang natutuwa Siya kapag nangyayari ito, at kasama na diyan ang pagiging mapagkakatiwalaan natin.
Let’s read this passage in the Bible:
Ang Kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa kwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. (Mateo 25:14 ASD)
In this parable, ipinagkatiwala ng may-ari ang kanyang mga ari-arian sa mga alipin. Iba-iba ang halaga ng ipinagkatiwala niya, at iba-iba rin ang ginawa ng mga alipin sa mga ito. Ang iba ay naging mapagkakatiwalaan at napalago ang iniwang halaga. Ito ang sinabi ng amo sa napagkakatiwalaang alipin:
“Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!’ (Mateo 25:21 ASD)
Nakikita mo ba? Hindi balewala sa amo ang ginawa ng aliping mapagkakatiwalaan; as a result, he could entrust even more to that servant. At inanyayahan pa niya ang aliping ito na “makibahagi sa kanyang kaligayahan.” That means God is pleased when we are faithful, and He rewards us by entrusting even more to us.
Let’s pause for a moment and think about the things that God has entrusted to us. Then we can pray together, “Lord, gusto kong maging mapagkakatiwalaan Mo sa mga ito. Gusto kong maging faithful at makibahagi sa kaligayahan Mo. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!