“Sana all” OR “Thank you, Lord
How much are you into social media? Naku, medyo tricky nga ‘yang tanong na ‘yan. Kasi admit it or not, karamihan sa atin, pagkagising pa lang sa umaga—ang unang hinahanap...cellphone! At ang unang binubuksan? Of course, social media apps like Facebook or Instagram!
Napakalaking tulong talaga ng social media sa buhay natin, especially when it comes to staying connected with friends and family. Pero let’s be honest— may negative side rin ito in the way we keep in touch with people—kapag nagkakaroon na ng comparison.
Kaya naman this week, napili naming magsulat tungkol sa… drum roll please! Ta-daaa! “Sana All: Social Media and Comparisons.”
To start off our series, let’s read this verse from the Bible:
…natutunan kong maging kontento anuman ang kalagayan ko. Marunong akong mamuhay sa hirap o sa ginhawa. Natutunan ko na ang lahat ng ito, kaya maging anuman ang kalagayan ko, busog man o gutom, sagana o salat, kontento pa rin ako. Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin. (Mga Taga-Filipos 4:11-13 ASD)
Ikaw ba, masasabi mo bang marunong kang makontento anuman ang kalagayan mo? Kung hindi, don’t worry—’yan mismo ang pagtutuunan natin this week. For now, just read that verse aloud a few times today, at paalalahanan ang iyong sarili na: Yes, being content is possible! And let’s pray this, “Lord, minsan nahihirapan akong maging kontento. Tulungan Mo ako na maging kontento anuman ang kalagayan ko. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!