• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish

Nakapaglaro ka ba ng puzzle kung saan hinahanap mo ang tamang pintuan, kung saan maaaring may treasure? O yung maling pintuan na maaaring maging kapahamakan mo? 

Alam mo ba na ang isa pang paglalarawan ni Jesus sa sarili ay Siya ang pintuan na dinadaanan ng mga tupa? Let’s read what is written in the Bible: 

Kaya muling sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ako ang pintuan na dinadaanan ng mga tupa. May mga tagapagturo na nauna sa akin, na ang katulad ay mga magnanakaw at mga tulisan. Ngunit hindi sila pinakinggan ng aking mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Magiging katulad siya ng tupa na malayang nakakapasok at nakakalabas ng kulungan, at makakatagpo siya ng pastulan. (Juan 10:7-9 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Kinukumpara ni Jesus ang ibang mga tagapagturo sa magnanakaw at tulisan, na gustong nakawin at sirain ang iyong kaligayahan at kapayapaan; in contrast, Jesus is the door where there is salvation. Kaya ang mga tupang pumapasok sa tamang pintuan ay may kalayaan at kapayapaan. Sinabi pa Niyang makakatagpo sila ng “pastulan,” it is symbolic of refreshment and abundant life. 

Ikaw ba, Friend, gusto mo rin bang maligtas, maging malaya at mapayapa? Do you also want refreshment and abundant life? Si Jesus ang tamang pintuan, at maaari kang lumapit sa Kanya. Kung hindi mo pa ito nagawa, pwede mong ipagdasal ito: “Jesus, kailangan Kita. Gusto kong lumapit sa Iyo at magkaroon ng kalayaan at makatagpo ng pastulan. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.