Sa Bible ✝️ lang ba nagsasalita si Lord?

Friend, kung tatanungin kita paano nagsasalita ang Diyos sa atin, ano kaya ang mga una mong maiisip? May mga tao sigurong maalaala nila ang mga kuwento sa Bible kung saan may anghel na dumating, gaya ng pagdating ng anghel na si Gabriel kay Mary na naging nanay ni Jesus. May iba namang magsasabing nagsasalita lang si Lord through the Bible. Tama naman ang mga ito. Pero alam mo bang nagsasalita din pala si Lord through nature?
Tingnan natin itong nakasulat sa Psalms:
Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios,ang gawa ng kanyang kamay.Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan.Kahit na walang salita o tinig kang maririnig,ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig. (Salmo 19:1-4 ASND)
Have you noticed it’s easy to feel relaxed in nature? Dahil kaya ito sa katotohanang ang kalikasan mismo ay nagpapakita ng kadakilaan ng Diyos?
May isang awit akong narinig kung saan iniisip ng manunulat na kapag nakatingin siya sa malawak na karagatan, doon niya nararamdaman kung gaano siya kaliit; at kapag nakaakyat siya sa pinakamataas na bundok, doon niya nakikita kung gaano kataas ang kalangitan.
Parang ganoon din ang aming nararamdaman tuwing nakatingin kami sa kalikasan.
At ito pa ang sinabi ni St. Paul sa Romans:
Totoong hindi nakikita ang Dios, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Dios ay naipahayag sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan. (Roma 1:20 ASND)
This week, Friend, mag-isip ka kung sa anong paraan ka maaaring makalabas sa kalikasan kahit for 15 to 30 minutes lang. Kapag nandoon ka na, isipin mo ito bilang handiwork of God.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

