• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Okt 8, 2026

Rest in Him

Publication date Okt 8, 2026

Do you agree na parang sobrang bilis ng buhay ngayon? Parang paggising mo pa lang, may kailangan ka nang habulin. Parang bawat oras, may kailangan tayong gawin—kaya minsan, hindi na tayo makahinga at makapag-recharge.

Naranasan namin ito bilang pamilya. Dumaan kami sa isang season na sobrang busy namin, halos nakalimutan na naming magpahinga.  At ang masasabi lang namin, hindi maganda ang naging epekto nito. Napagod kami emotionally, at naapektuhan pati ang relationships namin sa isa’t isa. 

Doon namin na-realize: hindi masama ang huminto sandali. Minsan, nahihirapan tayong magpahinga lalo na kung ang ginagawa natin ay para sa kabutihan ng iba. Pero ang sabi sa Bible:

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko.” (Mateo 11:28-30 ASD) 

Ang pahinga ay hindi reward na kailangan mong pagtrabahuhan. Regalo ito ng Panginoon. 

Imagine an anchor in the middle of a storm. Hindi nito pinipigilan ang mga alon, pero tinutulungan ka nitong manatiling steady. Ganoon din ang pahinga kay Jesus. Tingnan natin ang pagpapahinga bilang isang angkla para sa ating puso at isip, isang paraan para hindi tayo matangay ng baha ng mga pangyayari sa buhay. Ang totoong pahinga ay isang lugar kung saan payapa tayo, knowing that God is God, kahit ano pa ang nangyayari sa paligid. 

Kaya today, maybe it’s time to stop and receive His gift.

Ito ang challenge namin sa iyo: pwede mo bang tanggapin na kailangan mo si Jesus? Dito nagsisimula ang totoong pahinga. 

Halika, dasalin natin ito: “Lord, pinipili ko ngayong araw na pumasok sa pahingang regalo mo. Turuan Mo akong gawin ito. Amen.” 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.