• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 22, 2025

Relationship chaos, Tara, usap tayo.💔

Publication date Dis 22, 2025

Sabi nga ng marami, Christmas isn’t just about lights, gifts, or celebrations. It’s also a season that reminds us kung gaano kahalaga ang relationships. Ngayong mas papalapit na ang Pasko, siguradong marami ka nang get-togethers with family and friends—puno ng saya, tawanan, kwentuhan, at syempre, maraming food!

Pero minsan, hindi rin maiiwasan na maalala ang mga masasakit na nangyari in some of these relationships. This is why we chose this to be our series for Christmas week: “Strong and Safe Relationships.”

Do you know that relationships are important to God? From the beginning of time, na makikita natin sa simula ng Bible, He has always been for relationships. Unang-una, nilikha Niya si Adam at binigyan ito ng asawang si Eve, dahil sabi Niya, “It’s not good for man to be alone (Genesis 2:18). And also God walked in the garden with Adam and Eve, —isang malinaw na larawan ng Kanyang desire na lumakad kasama natin.

Nagkaroon ng pamilya sina Adam and Eve, and God continued to be involved in the lives of their children and grandchildren. Pero hindi lahat ng relasyon sa pamilya nila can be considered strong and safe. May nagkainitan, may nag-away, at meron pa ngang umabot sa pagpatay. Pero makikita nating ang mga tagasunod ng Panginoon ay may ibang pamamaraan, and these form the foundations for strong and safe relationships.

We’re sure, na gusto mo rin magkaroon ng strong and safe relationships in your life. These are the kinds of relationships that help you become the best version of yourself—yung nakikita ang weaknesses mo pero niyayakap ka pa rin, naniniwala sa’yo at tinutulungan kang mag-grow. Hindi ito madaling gawin, pero pwede natin itong hilingin kay Lord: na bigyan Niya tayo ng ganitong klaseng relationships, at tayo rin ay maging ganito sa buhay ng iba.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.