Ready for a Taste of Beauty?😍
Isa sa mga hilig kong gawin noong bata pa ako ay ang mangolekta ng basura ng iba. Wala akong idea kung kailan ko unang narinig ang salitang “recycle,” pero tuwang-tuwa akong makahanap o makagawa ng mga bagong gamit mula sa mga bagay na itinapon na—katulad ng karton ng toilet paper, mga pinaglumaang damit, kahit papel na may sulat na, at kung anu-ano pa.
Natatawa ang mga magulang ko sa ginagawa kong ito, at ganoon din ang pamilya ko ngayon. But do you know what I came to appreciate about myself because of that? Na marunong pala akong maghanap ng maganda sa mga bagay na tingin ng iba ay wala nang saysay.
At sa mga panahong may dinaranas na kahirapan ang aming pamilya, nakatulong ang kakayahang ito. Sa mga oras na napakabigat ng mundo, nakahanap kami ng kagandahan sa kalikasan, sa mga magagandang libro, at sa paglikha ng mga bagay gamit ang aming mga kamay.
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga sa amin ang Philippians 4:8. Itinuturo nito sa amin na isipin ang lahat ng magaganda. Hindi ibig sabihin nito na magbubulag-bulagan na lang kami sa masasamang nangyayari sa buhay, pero natuto kaming kumuha ng lakas mula sa maliliit na kagandahang iniwan ng Panginoon sa paligid—mga palatandaan ng Kanyang kabutihan.
May isang awit akong naisulat na ganito ang lyrics:
My heart is longing for its home My heart is longing for its home My heart is longing for its home In You, Lord
I thirst for a taste of beautyFor each glimpse reminds me Of my true Home
Ikaw ba, anong mga magagandang bagay ang nagpapaalala sa iyo na mayroon tayong isang mabuting Panginoon? Isipin ang mga ito at pasalamatan Siya para sa mga ito.
Tandaan mo, isa kang miracle!