The Forgotten Self-Care
Reader ka ba? Simula noong bata pa ako, mahilig na akong magbasa. Paborito ko pa noon ang English series na Sweet Valley Twins. Tungkol ito sa 12-year-old twin girls na sina Elizabeth at Jessica at sa lahat ng mga pinagdaanan nila sa bahay, sa school, at sa kanilang mga friendships.
Kahit kambal sila, magkabaliktad na parang araw at gabi ang kanilang mga ugali. Si Elizabeth ay tahimik, mahilig magbasa at magsulat, pili lang ang ilang matatalik niyang kaibigan, at responsable sa kanyang pag-aaral. Si Jessica naman ay maingay, walang pakialam sa pag-aaral, at mahilig sa barkada at parties.
The book series became a way for me to manage my emotions during those years. Hanggang ngayon, isa pa rin ang pagbabasa sa mga bagay na nakakatulong sa akin para makapag-relax. Si Mark naman ay hindi reader. Naniniwala siyang mas natututo siya through videos and listening to podcasts. But guess what? During the time he went through secondary trauma, he accidentally discovered The Chronicles of Narnia books (narinig mo siguro ito bilang movie), and found himself enjoying “traveling” to Narnia in the midst of all the chaos in life.
Bakit ko ito naikwento? Because God gave us our minds for a reason. Hindi lang para matuto. Even when He gave the first commandment (Matthew 22:34), He described it as loving God with all our hearts, minds, soul, and strength. Kapag maayos ang ating pag-iisip, mas nagiging handa tayong mahalin ang Diyos, ang ating kapwa, at maging ang ating sarili.
In what way can you take care of yourself by using your mind? May mga libro ka bang pwedeng basahin to refresh your mind? Hindi naman kailangang mahaba ang babasahin. Kahit maikli lang, pwede ka nang magsimula doon.
Tandaan mo, isa kang miracle!