Pwede Kang Mabuhay Para sa Kanya! 🥳
As we wrap up our Easter series, “Arms Wide Open: Jesus is Alive!”, we hope marami kang natutunan tungkol sa nangyari noong pinakaunang Holy Week. Today, we want to review one of the main impacts it has on our present life.
Ngayong araw, basahin natin ang isinulat ng alagad ni Jesus na si Paul sa mga taga-Roma:
Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkakaroon ng panibagong buhay.
At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Kristo upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan. (Mga Taga-Roma 6:4-6 ASD)
Nakikita mo ba? Ang bautismo pala ay paglalarawan ng mahalagang katotohanan na ito: namatay tayo at inilibing kasama ni Jesus. At dahil nabuhay muli si Jesus, tayo rin ay binigyan Niya ng panibagong buhay.
At ito ang mga pinag-usapan natin these past couple of weeks going into Holy Week: na ang dating pagkatao natin ay ipinako na sa cross, at dahil sa pagkamatay Niya sa cross at pagbabayad sa mga kasalanan natin, nabigyan Niya tayo ng bagong buhay na hindi na alipin ng kasalanan. That’s amazingly good news. Ibig sabihin, pwede na tayong mabuhay nang Kanyang-kanya.
Let’s pray this, “Lord, salamat na ipinako Mo sa cross ang dati kong pagkatao at binigyan Mo ako ng bagong buhay. Isang buhay na iniaalay ko sa Iyo. Turuan Mo akong mabuhay para sa Iyo. In Jesus’ name, Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!