• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 16, 2025

Friend, pwede ka pang mag-U-turn! ↩️

Publication date Hul 16, 2025

Friend, dumating na ba sa’yo ang panahong nagbago ang isip mo? Hindi lang sa mga maliliit na bagay— like changing your mind about what to wear or what to eat, but also rethinking about a wrong decision or a direction you’ve taken in life.  We call that “repentance”; kung saan nakikita mo ang mali at binabago mo ang iyong direksyon. 

Sa kwentong tinatalakay natin ngayong linggo—“Ang Kwento ng Naglayas na Anak,” babasahin natin ngayong araw ang pagbabagong-isip ng anak. Matapos niyang kunin ang kanyang mana at waldasin ito sa maling pamumuhay, nakaranas siya ng matinding paghihirap at gutom: 

“Nang makapag-isip-isip siya, sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Sa amin, kahit ang mga utusan ng aking ama ay may sobrang pagkain, pero ako rito ay halos mamatay na sa gutom. Babalik na lang ako sa amin at sasabihin ko sa aking ama, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo. Gawin nʼyo na lang po akong isa sa mga utusan ninyo.” ’ (Lucas 15:17-19 ASND

Naiisip mo ba kung ano ang nangyayari? Nagkaroon ng realisasyon ang anak— nakita niya ang katotohanan ng kanyang sitwasyon at kung gaano ito kalayo sa dati niyang buhay sa bahay ng kanyang ama. This is an example of repentance, where somebody makes a U-turn from a wrong path, and decides to tread the right one.

Friend, baka ngayon ay nasa maling landas ka at nais mong mag-U-turn pabalik sa Kanya. Huwag kang matakot, gustong-gusto ka Niyang mayakap muli. Just take the first step back to Him. This can be as simple as this prayer: “Lord, nagkamali ako, patawarin Niyo po ako. Gusto kong bumalik sa Iyo.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.