Priority Mo Ba ang Diyos?
Ano yung bagay na kaya mong gawin nang ilang oras nang hindi mo namamalayan na lumipas na pala ang buong araw?
Noong pandemic, nagkaroon kami ng pagkakataong tuklasin at mas pagtuunan ng pansin ang iba’t ibang hilig ng bawat isa sa aming pamilya.
Si Mark at mga kasama niya, halos araw-araw sila nagma-mountain bike. Sarado ang maraming lugar noon, kaya outdoor activities ang isa sa mga pwedeng gawin. Eventually, naging hobby na nila ang biking, at pinag-aralan nila ang lahat ng pwedeng malaman tungkol dito.
Natuto rin si Mark gumawa ng coffee at latte art, mostly through YouTube. Hindi ba’t “YouTube University” ang tawag nila doon?
Ang panganay naman naming anak, nagsimulang mag-garden at matuto tungkol sa pagsasaka. Dahil doon, nahawa rin kami at naging interested sa natural farming. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit napadpad kami sa bukid.
Dito natin makikitang may totoong epekto sa buhay natin ang mga priorities natin. Bahagi rin ba ng priorities mo ang pagtingin sa kagandahan at kabutihan ng Panginoon?
Basahin mo ito:
Purihin nʼyo ang Panginoon!Kayong mga lingkod ng Panginoon,purihin nʼyo ang pangalan ng Panginoon.Purihin nʼyo ang Panginoon,ngayon at magpakailanman.Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,ang pangalan ng Panginoonay dapat papurihan. (Salmo 113:1-3 ASD)
Nakikita mo ba? Inaanyayahan Niya tayong purihin Siya at gawing priority ito araw-araw.
Bakit? First, because He deserves it. And second, because it helps turn our eyes back to Him, who never changes, no matter what happens in our lives.
Ano ang maaari mong gawing priority araw-araw upang mas mapansin at mapapurihan ang Panginoon?
Let’s pray this:
“Lord, turuan mo akong i-prioritize ang pagpuri sa Iyo, kahit na minsan napakahirap nitong gawin. In Jesus, name. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!