Pinili Ka Niya
May mga pagkakataon ba na feeling mo, hindi ka pumapasa sa standards ni Lord?
Hindi namin alam kung nararamdaman mo rin ito. Maybe you’ve been following Jesus for years, pero may mga ugali o weaknesses ka pa ring paulit-ulit na bumabalik. And sometimes, you can’t help but think, “Dapat matagal ko na itong nalampasan. Bakit hanggang ngayon, ganito pa rin ako?
Kung naisip mo na ’yan, hindi ka nag-iisa. In fact, even the disciples of Jesus weren’t perfect.
Imagine this: habang kasama nila mismo si Jesus, nag-aaway pa sila kung sino sa kanila ang pinakadakila sa mata ni Jesus. (Luke 22:24) Then, noong gabi bago hulihin si Jesus, sinabi Niya sa kanila na manatiling gising at manalangin kasama Niya. Pero nakatulog sila.
At si Peter? Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Jesus? He denied Jesus three times. Pero ang ginawa ni Jesus after Peter’s failure, Jesus still entrusted him with the responsibility of caring for His people.
Isn’t that encouraging?
Hindi pala kailangan maging perfect para maging disciple ni Jesus. Sa totoo lang, sa Bible mismo, hindi nito tinatago ang weaknesses ng mga taong ginamit ng Diyos. Makikita natin ang kanilang doubts, failures, fears, and mistakes—alongside their faith and victories. Parang sinasabi ng mga kuwento nila sa atin, “Ako rin. Mahina rin ako. Nagkamali rin ako. Pero minahal pa rin ako ni Jesus.”
The good news is that kahit may mga kahinaan tayo, hindi nagbabago ang pagmamahal ng Panginoon. As (John 13:1) John 13:1 reminds us, Jesus loved His own, and He loved them to the very end.
Maybe you’re disappointed with yourself today. Maybe there’s a weakness you wish you had already overcome.
Huwag kang mawalan ng pag-asa. Your weakness doesn’t disqualify you from His love. Sa gitna ng mga pagkukulang natin, tinatawag pa rin tayo ng Panginoon.
Tandaan mo, isa kang miracle!