Perfect? Certainly not the Bible characters.

Siguro naman nakapagbasa ka na ng Bible? Nakakaaliw, ‘di ba? At gaya ng karamihan, baka iniisip mo rin na ang mga taong nakakita sa Panginoon ay mga perpekto at walang kasalanan. Tama ba?
Naku, we’re actually excited to show you that it’s not true. In fact, ang “Mga Taong Sinalubong ni God” ay may iba't-ibang kahinaan. Today, we’ll be reading about Abraham, na siyang itinuturing na Father of Nations. Una siyang sinalubong ni God sa Genesis 12, kung saan siya ay tinawag upang umalis sa kanyang bayan at sumama kung saan man siya dalhin ng Panginoon. Anlaki ng mga pangako ni God sa kanya:
Gagawin kong isang malaking bansa ang lahi mo,at pagpapalain kita.Gagawin kong tanyag ang pangalan mo,at marami ang pagpapalain dahil sa iyo.Pagpapalain ko ang mga magpapala saʼyo.Ngunit isusumpa ko naman ang mga susumpa sa iyo.Sa pamamagitan moʼy pagpapalain koang lahat ng tao sa mundo.” (Genesis 12:2-3 ASD)
Ang galing ano? Pero alam mo ba kung ano ang ginawa ni Abraham? Ilang beses siyang tumakas sa taggutom by going into enemy territory—and lying in order to survive. Hindi pala ganoon katatag ang kanyang pananampalataya noong umpisa. May kahinaan siya, may takot, at may pagsisinungaling din.
Pero hindi si Lord nawalan ng pag-asa sa kanya. God walked with him through everything, until eventually, he became trusted enough to become the Father of Nations—na ipinangako ni Lord sa kanya noon pa lang. At siya pa ang itinuturing ngayon na Father of Faith!
Ikaw ba, do you sometimes feel like your faith is lacking? You can ask God to help strengthen your faith, “Lord, my faith is weak. Give me strength to trust in you. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!

