Peace?
Have you ever had sleepless nights because of a misunderstanding that kept bothering you? Yung gusto mo nang maging okay ang lahat, pero habang hindi pa naaayos ang sitwasyon, ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam mo?
Recently, nagkaroon ako ng misunderstanding with a few friends. May mga nangyari na hindi ko ine-expect, kaya nakaramdam ako ng matinding inis at anxiety. Dahil sa sobrang bigat ng emotions ko, may mga nasabi akong hurtful words.
Pag-uwi namin, hindi ako mapakali. Gusto ko nang pag-usapan agad ang nangyari para maayos na ang lahat, pero hindi iyon agad nangyari dahil may mga bagay pa silang kailangang unahin. Kaya kinailangan ko pang maghintay.
I had to process my thoughts and feelings before talking things through with them. In my case, writing down my thoughts helped me a lot. Hindi naman ito a formula that everyone has to follow, pero para sa akin, nakasanayan ko nang gamitin ang pagsusulat para ma-process at mas maintindihan ang mga nararamdaman ko.
The good news is, kapag kasama natin si Lord, hindi natin kailangang hintaying maging maayos ang lahat bago tayo makaranas ng kapayapaan.
Sabi nga sa Bible:
Nawaʼy ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon. (2 Mga Taga-Tesalonica 3:16 ASD)
Isipin mo iyon! Hindi lang nagbibigay ng kapayapaan ang Diyos—Siya mismo ang pinagmumulan nito, Siya mismo ang kapayapaan! That’s what heaven looks like: peace that surpasses all understanding.
Kaya tumingin tayo sa Kanya:
-
Kapag may mga boses na nagbibintang sa iyo;
-
Kapag may mga nangyayaring hindi tama;
-
Kapag nakakaranas ka ng sakit.
-
Kapag may mga taong nang-aaway sa iyo o sa pamilya mo..
At dahil nasa kamay ng Panginoon ng Kapayapaan ang buhay mo, unti-unting makikita sa iyo ang Kanyang katangian—the attitude of heaven, with a serene heart and a joyful spirit.
Sa gitna ng mga bagay na hindi mo kontrolado ngayon, handa ka bang lumapit sa Diyos at hayaan Siyang punuin ng Kanyang kapayapaan ang iyong puso?
Tandaan mo, isa kang miracle!