Payapa ba ang isipan mo? You can run to Him! 🤭
Do you know that our emotional life is not a separate component of our lives? Sa totoo lang, lahat ng aspeto ng buhay natin ay interconnected: our emotional health affects our physical health, the food that we eat affects our mind and emotions, and they both also impact our spiritual life, just as our spiritual life also affects our emotional life and decisions for our physical health. Kaya hindi pala maliit na bagay ang matutunan ang tungkol sa “Pursuing Emotional Wellness.”
Do you see examples of that in your own life? Kung saan nakikita mong nakakaapekto pala sa buong buhay mo ang iyong mga emosyon? Or maybe you’ve experienced your mood being affected by the food you eat or the amount of sleep you get?
For example, basahin natin itong mga nakasulat sa Bible:
Ang payapang isipanay nagpapalusog ng katawan,ngunit ang pagkainggitay tulad ng kanser sa buto. (Kawikaan 14:30 ASD)
Nakikita mo ba? Nakasulat mismo sa Bible na kapag payapa ang isipan, pati ang katawan ay lumulusog.
Ikaw ba? Payapa ba ang isipan mo ngayon? Kung hindi, it’s OK. Alam ni Lord ang mga pinagdadaanan mo, at gusto ka Niyang tulungan. Ito ang pangako Niya sa iyo:
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. (Mateo 11:28 ASD)
Kung may mga mahihirap kang dinadala ngayon, pwede kang lumapit sa Kanya. Pwede mong ipagdasal ito, “Lord, nahihirapan ako at nabibigatan sa aking pasanin. Pero dahil pangako Mong bibigyan ako ng kapahingahan, narito ako at lumalapit sa Iyo. Tulungan Mo ako. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!