Pasasalamat mo—gawa ba o salita lang? 🤔

Sa dami ng biyaya at kabutihang natatanggap natin araw-araw, natural lamang na mapuno tayo ng pasasalamat. When someone does something that really impacts your heart, you remember it for a long time. But the question is: paano mo ito ipinapakita? Do you say “thank you” or do you express it in gestures to show that appreciation?
Today, tingnan natin ang isang taong sinaniban ng hukbo ng demonyo na pinagaling ni Jesus. Napakabigat ng pinagdaanan niya dahil dito:
Matagal na itong walang suot na damit at ayaw niya tumira sa bahay kundi sa mga kuwebang libingan… at kahit tinatalian siya ng kadena sa kamay at paa at binabantayan, nilalagot lang niya ito, at dinadala siya ng demonyo sa ilang.(Luke 8:27, 29 ASD)
Nang pinagaling siya ni Jesus, ang hukbo ng mga demonyo ay pumasok sa mga baboy. Tumakbo ang buong kawan pababa sa bangin, nahulog sa lawa, at nalunod. Nagulat at natakot ang buong bayan sa nasaksihan nila.
Ano kaya ang naging reaksyon niya matapos siyang pagalingin? Basahin natin ito:
Nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya, ngunit hindi pumayag si Hesus. Sinabi niya, “Umuwi ka na sa inyo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Diyos.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Hesus. (Luke 8:38-39 ASD)
Can you imagine the gratitude he must have felt—na talagang nakiusap siyang sumama kay Jesus? Pero hindi siya pinayagang sumama, dahil may mahalaga siyang misyon: ang ibahagi at ipamalita sa buong bayan ang ginawa ni Jesus sa kanya.
Ikaw, may ginawa ba si Jesus na gusto mong ibalita sa iba? Sige na, share it to your friends, at pati na din sa amin. Gusto naming marinig ito.
Tandaan mo, isa kang miracle!

