• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Loneliness. Nakaka-experience ka din ba ng kalungkutan, na parang walang nakakakilala sa iyo ng malalim? Hindi siguro nakapagtataka na lahat tayo ay may longing for close, intimate friends, pero most of the time hindi ito automatic na nangyayari. 

Nakaranas  din ng ganito si David, ang batang shepherd na naging king. Sya ang youngest sa pamilya nila. Mababasa natin sa story nya sa Bible na hindi siya ganoon ka-close sa mga kapatid nya. Minsan nga may dumating na isang important guest sa bahay nila, muntik na siyang makalimutan i-invite, dahil nandoon siya sa field nagbabantay sa mga tupa! 

Pero si David din ang nagsulat ng napakaraming awit tungkol kay God, at ito ang isa sa mga na-discover nya about kay God: 

Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo.    Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho.    Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. (Salmo 139:1-3 Ang Salita ng Dios

Narinig mo ba yan, Friend? Siniyasat ka Nya at kilalang-kilala. He knows kung nakaupo ka or nakatayo. Kahit saan ka man naroroon, alam Nya ang lahat mong iniisip. Nakaka-encourage, di ba? That means na kahit anong gumugulo sa isip natin, alam ni Lord. Kaya pwedeng-pwede natin Syang kausapin anytime!

Today, practice natin itong i-pray, “Lord, salamat na kilalang-kilala Nyo ako. Alam Nyo ang lahat ng nangyayari sa buhay ko, and alam Nyo din ang lahat ng nasa isipan ko. Binibigay ko po sa Inyo ang lahat ng struggles ko. In Jesus’ name, Amen.” 

Sige, hopefully maging regular practice natin ang makipag-usap kay Lord. Remember, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.