• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Mar 27, 2026

Paano Nga Ba Binabayaran ang Kasalanan?šŸ¤”

Publication date Mar 27, 2026

Guilt, fear, at minsan galit sa sarili… ilan lang ito sa posibleng maramdaman kapag nakasakit ka ng ibang tao. Mabigat, ā€˜di ba? Lalo na kapag alam mong may kasalanan ka rin kay Lord?

Natutuwa kami sa ating series this week, ā€œArms Wide Open: Looking at the Cross,ā€ dahil mapapag-aralan natin nang konti kung ano ang mga nangyari noong namatay si Jesus sa cross. Sana’y pagkatapos ng series na ito, hindi na ito maging isang simpleng larawan lang na nakikita natin sa simbahan o sa bahay, kundi magkaroon tayo ng mas malalim na appreciation sa Kanyang pagmamahal para sa atin.

Let’s read this passage: 

Noong una, itinuring kayong mga patay dahil sa mga kasalanan ninyo. Subalit ngayon, binuhay kayo ng Diyos kasama ni Kristo. Pinatawad niya ang lahat ng ating kasalanan at binura ang listahan ng mga kasalanang dapat nating panagutan. Pinawalang-bisa niya ito at kasama niyang ipinako sa krus. (Mga Taga-Colosa 2:13-14 ASD

Let’s pause and do a before-and-after comparison of what happened before and after the cross:

Before the cross —> After the cross 

Itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin —> binuhay tayo ng Diyos kasama ni Kristo

May mga kasalanan tayo sa Kanya —> pinatawad Niya ang lahat at binura ang listahan 

May kasalanan tayong dapat panagutan —> pinawalang-bisa Niya ito at ipinako sa cross 

Hindi ba good news ito? Dahil sa pagkamatay ni Jesus sa cross, binuhay Niya tayo, pinatawad sa lahat ng ating kasalanan, at hindi na tayo mananagot dahil binayaran na Niya ang lahat nito.

Pwede mong gamitin ang mga ito sa panalangin nang pasasalamat: “Lord, salamat at [isa-isahin dito ang mga kasalanang Kanyang pinatawad]. Salamat at ngayon ay buhay na ako dahil sa ginawa mo. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.