• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 16, 2025

paano kung ganito rin ang gawin Mo? 😲

Publication date Ago 16, 2025

Himala…nakakamangha, nakakagulat. Paano kaya kung aktwal tayong makakita ng ganito? Alam mo bang kayang-kaya ni Jesus na magpagaling ng kahit anong sakit? 

Pero alam mo bang may nangyari din sa Bible na gumaling sa karamdaman kahit na hindi ito sinadyang gawin ni Jesus? 

Today, as we continue our series, “Mga Pinagaling ni Jesus,” let’s read this passage from the book of Matthew in the Bible: 

Habang papunta sila, may isang babae roon na labindalawang taon ng dinudugo. Lumapit siya sa likuran ni Hesus at hinipo ang laylayan ng damit niya. Sapagkat naisip ng babae, “Mahawakan ko lang ang damit niya ay gagaling na ako.”

Lumingon si Hesus at nakita siya. Sabi niya, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At gumaling nga ang babae sa sandaling iyon. (Mateo 9:20-22 ASD

Nakikita mo ba? Kahit hindi sinadya ni Jesus, dahil lumapit ang babae at hinipo ang Kanyang damit ng may pananalig na gagaling Siya… gumaling nga siya! Can you imagine what kind of faith she must have had to believe that— even if no one said anything about it? That means she must’ve had a really big picture of who Jesus was or what He was able to do!

Ikaw ba, what is your picture of Jesus when it comes to the things He’s able to do? Minsan ba nagdadalawang-isip ka pa kung kaya Niyang gawin ang kailangan mo? Sana, sa kwento natin ngayong araw, lumaki rin ang iyong pagtingin kay Jesus, at magkaroon ka ng mas malalim na pananampalataya sa Kanyang kakayahan. 

Let’s pray this together: “Lord, salamat at kayang-kaya Mong gawin ang imposible. Give me faith to ask You for what I need. Lord, tulungan Mo ako sa _________. Amen.” 

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.