Our Model of Humility
May kilala ka bang taong sobrang mapagpakumbaba? Yung kahit maraming achievements, hindi nagyayabang. Kahit may kakayahan siyang magmalaki, mas pinipili niyang maging mabait at tratuhin ang iba nang may respeto. Nakakagaan ng loob ang makasama ang mga ganitong tao, ’di ba?
Pero alam mo ba? The most beautiful example of humility isn't just someone we know. It’s Jesus Himself!
Napakaraming magagandang ugali ang makikita natin kay Jesus. His love is unlike any other, palaging handang tumanggap at yumakap sa atin, kahit sa mga araw na pakiramdam natin ay hindi tayo karapat-dapat mahalin.
Pero may isa pang katangian Niya na talagang kahanga-hanga: ang Kanyang pagpapakumbaba.
Isipin mo ito: ang Hari ng buong mundo, ang Diyos na lumikha ng lahat, ay piniling bumaba sa mundo bilang isang sanggol. Hindi Siya naghanap ng marangyang lugar o espesyal na pagtrato. He humbled Himself because of His great love for us.
Sabi ni Jesus sa Mateo 11:29 ASD:
Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, 30dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko.”
Gentle and humble talaga ang puso ni Jesus. Hindi Niya kailangang magpanggap o patunayan ang Kanyang sarili. His humility reflects who He truly is. He is the true model of humility.
In our series this week, we invite you to think about His humility, so that we might also walk like Him. Hindi ito laging madali. Pero hindi natin kailangang matuto nang mag-isa. Tutulungan Niya tayo habang natututo tayong mamuhay nang may kababaang-loob at pagmamahal sa iba.
Manalangin tayo:
“Lord, gusto kong maging katulad Mo. Turuan Mo akong maging mapagpakumbaba. Tulungan Mo akong isabuhay ito araw-araw. In Jesus’ name, amen.”
Handa ka bang piliin ang pagpapakumbaba kahit mahirap itong gawin?
Tandaan mo, isa kang miracle!