Nothing can separate you from God’s love! ❤️
Noong bata ako, lagi akong takot na mawala ang pagmamahal ng Panginoon. That was part of the reason why I pray every night. Hindi lang dahil gusto ko Siyang makausap, kundi dahil sa ayokong mapalayo sa Kanya.
Napakalungkot isipin na kahit noong lumaki na ako, my picture of God was like this dove that is used to describe the Holy Spirit. Na kapag may nagawa akong masama, ito ay maaaring agad na lumipad palayo sa akin!
Over time, natutunan kong it’s not that easy to lose God’s love—sa totoo lang. Ipinangako pala Niyang kahit ano pa ay walang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal Niya!
Let’s read this passage from the Bible:
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios. (Roma 8:38-39 ASND)
Wow! Hindi ba’t good news ito? Na kahit ano pala—buhay man o kamatayan, mga anghel man o anumang makapangyarihang espiritu, ang mga pinagdaanan natin o ang hinaharap—kahit ano pang mga bagay sa buong mundo, ay hindi pala kayang makapaghiwalay sa atin sa pagmamahal ng Panginoon! Dahil sa ginawa ni Jesus pagtanggal ng kasalanan natin sa cross, we can be confident in the truth na kasama natin Siya kahit saan, kahit kailan!
Let’s pray this together: “Lord, salamat at walang makapaghihiwalay sa akin sa Iyong pagmamahal. Tulungan mo akong mapaniwalaan ito araw-araw. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!