Not gonna lie, realizing God is with you hits different! 👥
familiar ka ba sa kanta ni Jose Mari Chan na Perfect Christmas? It’s really one of my favorites, especially the line, “My idea of a perfect Christmas is to spend it with you.” Ngayong parating na Pasko, are you also someone whose only wish is to be with your loved ones? If yes, sino ang gusto mong makasama this Christmas?
As we continue our series, “Good Gifts this Christmas,” tingnan naman natin ang isa pang regalo na ibinigay sa atin ng Diyos. Here are some lyrics from the Christmas song “Away in a Manger,” which highlight yet another blessing the Lord has offered us this season:
Be near me, Lord Jesus, I ask You to stayClose by me forever, And love me I pray
Nakikita mo ba? Through that first Christmas, God gave us His very own presence. Ito ang dahilan kung bakit isa sa mga tawag kay Jesus ay “Immanuel,” na ang ibig sabihin ay “God with us.” This was foretold by the prophet Isaiah several hundred years before Jesus was born:
Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Immanuel (Isaias 7:14 ASD)
Totoo nga! Nabuntis ang birheng si Mary at nanganak siya ng isang sanggol na lalaki. Siya ang naging katuparan ng pangakong iyon—na ang Panginoon ay makakasama natin.
This Christmas, we hope you truly feel God’s presence. Let’s pray this together: “Lord, salamat at ibinigay Mo sa akin ang Iyong presensya. Nais ko Panginoon na mas makilala Ka ngayong Pasko. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!