No one else sees it, but He knows your grief.
Sometimes, in our culture, we have this unhealthy tendency to downplay emotions. Remember nung mga bata pa tayo? Lagi tayong pinipigilang umiyak, kahit minsan hindi naman alam kung bakit o anong dahilan nito. As we grow up, may ganoon pa ring mindset, even in the heaviest experiences of grief.
Kaya natuwa ako nang nalaman kong may poetry workshop on grief. Pagdating ko doon, narinig ko ang different reasons why they joined. May nawalan ng nanay, tatay, lola, meron ding nawalan ng 3-year serious relationship. Pero sa lahat ng iyon, the workshop became a safe place for people to process the difficult emotions related to grief.
Alam mo bang kahit si Jesus, nagbibigay-lugar sa dalamhati? Bago Siya namatay, ito ang sinabi Niya sa mga tagasunod Niya:
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, iiyak kayoʼt magdadalamhati, ngunit ang mundoʼy magsasaya. Malulungkot kayo… (Juan 16:20 ASD)
Sinabi Niya ito kahit alam Niyang mabubuhay Siyang muli sa ikatlong araw. Binigyan Niya ng pahintulot ang Kanyang mga tagasunod na malungkot, umiyak, at magdalamhati. Pero dahil alam Niya ang susunod na mangyayari—na mabubuhay Siyang muli at sa huli, babalik talaga Siya—He will be with us forever. Kaya nasabi Niya ang kasunod na ito:
… pero ang kalungkutan ninyo ay mapapalitan ng kagalakan… Nalulungkot kayo ngayon, pero magagalak kayo sa araw na magkita tayong muli. At walang sinumang makakaagaw ng inyong kagalakan. (Juan 16:20, 22 ASD)
At ito ang tinatawag na paradox—two conflicting truths: yes, we grieve when we lose someone, but when we know that we will be reunited, which is true for all who belong to Jesus, we can also rejoice. Pero hindi natin binabalewala ang grieving part.
Tandaan mo, isa kang miracle!