No Fear! He’s got you! 🤗

Do you have a go-to person? Sila ‘yong mga mentors o friends na maaasahan natin kapag may mga problema tayong dinadala. Pero napakahalaga rin na tamang tao ang lapitan natin kapag down tayo, para magabayan tayo nang maayos. Baka kasi lalo pang lumala ang sitwasyon kung mali ang lalapitan—higit pang sakit at problema ang mararanasan natin.
Pero kahit gaano pa kagaling ang mga kaibigan at mentors natin, may isa pang gustong tumulong sa iyo— at ito ang Panginoon. Basahin natin itong sinabi niya sa Bible:
Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Diyos.Ako ang nagpapalakas sa iyoat nagsasabing huwag kang matatakotdahil tutulungan kita.Kahit na maliit ka at mahina,huwag kang matatakotdahil ako mismo ang tutulong sa iyo,”sabi ng Panginoon,ang iyong Tagapagligtas, (Isaias 41:13-14 ASD)
Kung natatakot ka ngayon, ito ang pangako ni Lord sa iyo:Siya mismo ang magpapalakas at tutulong sa iyo. Kahit maliit ka at mahina, Siya ang iyong Tagapagligtas. Hindi ba’t good news ito?
How about grabbing a notebook or some paper right now and writing your prayer to Him? You can start it this way, “Lord, kailangan ko ang tulong mo. Napakabigat nitong pinagdadaanan ko ngayon…” (then share your problem openly.) Matapos mo itong gawin, pwede mo ring dasalin ito, “Lord, tulungan Mo ako. Salamat dahil sabi Mo sa Bible na hindi ko kailangang matakot, dahil Ikaw ang tutulong sa akin. Bigyan Mo ako ng lakas. Sa pangalan ni Jesus, Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!

