Never Truly Alone
Noong bata ako, ilang beses ko ring naranasan ang rejection mula sa mga taong mahalaga sa akin. Una, sa kuya ko na 5 years ang agwat sa akin. Siya yung pinaka-close ko—kalaro, kakwentuhan, kasama sa lahat. Pero habang lumalaki siya, nagbago rin ang mundo niya. Mas napalapit siya sa barkada, mas naging busy, hanggang sa unti-unti, hindi na ako yung lagi niyang kasama. As a kid, I didn’t understand it. I just knew it felt like I was being left behind.
Then it happened again.
Mga kaibigan naman. Yung akala mong “forever,” pero dumating din yung point na may iba na silang pinipiling kasama. Walang away, just distance.
So being left behind by people was not new to me. And perhaps because of that, one of my most memorable experiences of God’s love happened during a retreat. At that time, I was also on the brink of losing someone important to me.
Through the sessions, songs, and Bible verses, naramdaman kong sinasabi Niya sa akin na kahit na may mga taong umaalis sa buhay ko, hinding-hindi Niya ako iiwanan. (Hebrews 13:8). And it’s true, He gave everything, even His life on the cross, para lang maibalik tayo sa Kanya.
May karanasan ka bang na-reject o parang naitakwil ng ibang tao?
Rejection hurts in ways we don’t always know how to explain. Small man o big, it still stings more than we expect. And no matter the context, it somehow changes how we see ourselves, right?
If you’re in that place right now, you can pray this, “Lord, help me hold on to the truth that You will never leave me nor forsake me.”
Tandaan mo, isa kang miracle!