• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Okt 2, 2026

Never Apologize for Being Alive

Publication date Okt 2, 2026

May narinig ka na bang nagsabi ng, “I’m sorry for being alive”? O baka ikaw mismo, nasabi mo na rin ito sa sarili mo? Hindi man literal na sinasabi, baka ganito ang tahimik na nararamdaman mo:

“Sorry, hindi ako enough.”

“Sorry, nakakadagdag lang ako sa problema.”

“Sorry for being a burden.”

At minsan, hindi mo rin napapansin kung saan nanggaling ang mga ganitong thoughts. Baka matagal ka nang nakakarinig ng masasakit na salita. Baka madalas kang minamaliit, kinukumpara, o pinaparamdam sa’yo na hindi ka sapat. At kapag paulit-ulit mo itong naririnig, unti-unti mo rin itong pinaniniwalaan.

Nakakaranas ka rin ba ng ganito? Na parang kailangan mo pang mag-apologize for being alive? Remember God’s promise in Jeremiah 29:11—may plano Siya para sa’yo para sa kapayapaan at magandang kinabukasan mo.

At baka naman hindi mo iniisip na walang halaga ang buhay mo, pero nahihirapan ka pa ring mahalin ang sarili mo. Alam mo ba na sinabi ni Jesus, “You shall love your neighbor as yourself.” (Matthew 19:19) Kasama pala sa turo ni Jesus ang “as yourself.” It means that there is also a right place for healthy self-love and appreciation.

At kung lumaki kang hindi naramdaman ang halaga mo—laging pinapagalitan, minamaliit, o pinaparamdam na hindi ka enough—pakinggan mo ito: “You are my beloved son/daughter in whom I am well pleased. (Matthew 3:17)” You don't have to apologize for being alive.

Kaya ngayong malapit na tayong matapos sa series nating “Your Life is a Treasure,” gusto kong balikan natin ang isang mahalagang katotohanan: May halaga ang buhay mo. Sana nakatulong ang series na ito para mas mahalin mo ang sarili mo at mas makita ang sarili mo gaya ng pagtingin ng Panginoon sa’yo.

You are loved. You are wanted. You have a purpose. At kung kailangan mong marinig ito today, hayaan mong sabihin ko ulit: Your life is a treasure.

Ngayong alam mong hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil nabubuhay ka, ano ang isang bagay na gusto mong simulan na sabihin sa sarili mo?

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.