Needs something,? This might be God’s message for you today.🥹
Is life hitting you hard right now? Like, super tight ng budget, bills overdue, at dahil sa mga ito, wala kang peace of mind — and you’re desperately craving a break from all the stress. Tapos wala kang maisip na way out, no clear solution. So, paano na?
Si Abraham, isang Bible character, had his own struggles. Hindi siya kapos sa pera, pero wala silang anak ni Sarah, and that caused them despair. Para saan pa ang kayamanan nila, di ba?
To make a long story short, binigyan ni Lord si Abraham at Sarah ng anak — si Isaac. Pero sinubukan pa rin siya ni Lord: kaya ba niyang i-surrender si Isaac, his beloved son? Habang papunta sila sa lugar ng sacrifice, nagtanong si Isaac, “‘Tay, asan po ang tupa para sa sacrifice?” You can read the full story in Genesis 12.
Can you even imagine kung gaano kasakit para kay Abraham ang sandaling ‘yon? Hindi alam ni Isaac na siya mismo ang magiging sacrifice. Pero sa halip na i-explain ang bigat ng sitwasyon, ito lang ang sagot ni Abraham: “Ang Panginoon ang magbibigay ng kailangan natin, anak.”
At tama nga ang sinabi niya. At the exact moment na itataas na ni Abraham ang kamay niya para i-sacrifice si Isaac, pinigilan siya ni Lord. Ipinakita ng Diyos na may nakahandang tupa sa tabi na pwedeng ihandog bilang sacrifice. Perfect timing si Lord, as always.
Ang Panginoon pala ay isang Provider. Natutuwa Syang ibigay ang lahat ng kailangan natin. Sa tamang oras, sa tamang paraan.
Today, how about we list down our requests to the Lord in a prayer notebook? Hilingin natin ang mga ito at hintayin natin ang Kanyang sagot. And when we receive the answers—no matter when— isulat natin sa tabi ng notes. That way, we get to celebrate how God has been our faithful Provider.
Isa kang miracle!