Need someone to bridge the gap, ? 😅
minsan ba napapaisip ka sa mga masamang nangyayari sa mundo, wondering if God even sees? Di ba maraming nagtatanong, “If God is a God of love, why is there suffering?”
As we continue our series, “Mga Pangakong Tinupad ng Unang Pasko,” titingnan natin ang isang kwento sa Bible noong panahong bago nagkaroon ng hari ang Israel. Sa mga araw na iyon, ang mga pari ang namumuno, at may isang paring si Eli na may mga anak na napakasama: they oppressed the people by demanding things from them, at nahihirapan ang mga tao dahil sa kanila.
During that time, may isang babaeng si Hannah na matagal nang walang anak. Hiniling niya ito kay Lord at ipinangako niyang ibabalik ang anak bilang alagad ng Diyos, at dumating nga si baby Samuel (mababasa ang kwentong ito sa 1 Samuel). Nang lumaki siya, inalay ni Hannah si Samuel sa paglilingkod sa Lord, under Eli the high priest. Ginamit ng Panginoon si Samuel upang maging mabuting pari at pinuno ng Israel. Eventually, he was the one who anointed the first king of Israel.
Ano ang kinalaman nito sa Pasko? Alam mo ba kung ano ang pangunahing trabaho ng isang pari? It’s to represent people to God. And Jesus Himself is described as our great High Priest, the One Man who can most effectively mediate between us and God. Katulad ng ginawa ng Lord sa panahon ni Samuel—He raised up a righteous priest for His purposes—He gave us Jesus as our perfect High Priest who understands our weaknesses because He became just as we are.
Do you need someone to represent you before God? Pray this with us: “Thank You, Jesus, that You are the One who understands everything about us because You became Man like us.”
Tandaan mo, isa kang miracle!