• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 19, 2026

Need a Savior?

Publication date Hul 19, 2026

This week we’re starting a new series called “5 Smooth Stones.” Ito ay mula sa kwento ni David, isang batang pastol na naging bayani sa kanilang bansa. Curious ka ba kung paano ito nangyari? Ikwento namin sa iyo. 

Si David ang bunsong anak sa kanilang pamilya. Noong panahong iyon, ang mga bunso ay madalas na naaatasan ng mga mas simple at mababang gawain, kaya napunta sa kanya ang pagpapastol ng mga tupa. 

May matitinding kaaway ang Israel noon na tinatawag na Philistines. Isa sa kanilang mga mandirigma ay isang napakalaking sundalo, si Goliath—isang mayabang na sundalo na araw-araw na pumaparada sa harap ng mga sundalong Pilisteo at Israeli. Lagi nitong sinasabi na walang sundalo sa Israel ang kayang harapin siyang mag-isa. He challenged the Israelites that if they could send one soldier to fight him one-on-one, the outcome would determine which nation wins and the loser becomes the slave of the winner. 

Kung nandoon tayo noong panahong iyon, malamang maiisip din nating wala nang pag-asa. Sino ba naman ang basta makakatalo sa isang napakalaki at napakalakas na higante?

Pero narinig ito ni David, at naramdaman niya ang galit ng Panginoon sa panunuya ng kaaway laban sa Kanya. So he went to the king and offered to fight the giant.

Walang naniwala kay David, dahil sobrang liit niya kumpara kay Goliath. Pero ito ang sinabi niya:

Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga pangamot ng leon, at sa pangamot ng oso, ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito. (1 Samuel 17:37 ASD). 

May hinaharap ka ba ngayong problema,  Friend, na parang imposible? Balikan mo ang mga pagkakataong iningatan at tinulungan ka ng Panginoon, at magtiwala kang magagawa Niya rin ito ngayon. 

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.